Timog, Silangan, at Kanluran Ikaw pa rin ang Patutunguhan
Ang kantang "Patutunguhan" ng Cup of Joe ay nagsasaliksik sa mga detalye ng pag-ibig, ilusyon, at pagtuklas ng tunay na landas sa buhay. Ito ay isang makabagbag-damdamin at mapanimdim na kanta. Ang mga linya ng kanta ay malinaw na naglalarawan sa pag danas ng mga pagtaas at pagbaba ng emosyon kasabay ng pagtingin sa minamahal upang kumuha ng motibasyon para sa direksyon at kahulugan ng buhay.
Ang linyang “Mahal, ikaw lang ang nakikita ng bulag kong paningin Ikaw lang ang ilaw sa dilim” ay nagpapakita ng kahalagahan interes ng sa pag ibig, na nagiging sentral na pokus ng isa't isa. Ito rin ay nangangahulugan na laging naka depende ang manunulat sa kanyang iniibig. Na para bang ito ang nagsisilbing ilaw at direksyon sa madilim na daan.
Ang pag banggit ng iba't ibang direksyon ("Timog, silangan, at kanluran Ikaw pa rin ang patutunguhan”) ay nagsasabi na kahit saan man tumingin ang manunulat, ang pagmamahal at interes nila sa isa't isa ay ang siya pa ring patutunguhan nila.
"Anumang takbo ng panahon, kahit na ako'y biglang matangay, wala mang himlay, basta ako ay patungo sayo"
Kahit na anong lagay ng panahon, mapadpad man sa ibang direksyon, basta ang patutunguhan ay ang kanyang minamahal. Ito ay nagbibigay diin sa pangako at determinasyon upang ang isa't isa pa rin ang kanilang uuwian sa dulo.
Binibigyang pansin ng kanta ang hindi kasiguraduhan sa direksyon na tinatahak sa buhay ng manunulat hanggang sa dumating ang kanyang iniibig at tinulungan siyang makita ang katotohanan. Nakikita niya ito bilang kaniyang gabay na liwanag sa kadiliman, na umaalalay sa kanya patungo sa tamang landas. Na kahit anuman ang mga pagsubok na dumating sa kanila, alam niyang ang kanyang iniibig ang destinasyon na kanyang pinanghahawakan. Ang kanyang tingin ay laging nakatutok sakaniya, nakikita ang kanyang mahika sa bawat direksyon - hilaga, timog, silangan, at kanluran. Sa huli, ang kanyang iniibig ay nananatiling kanyang gabay na bituin, na humahantong sa kanya patungo sa kanyang pinakahuling destinasyon.
Photo provided by Kynch Aylla Liu

Ang tanong, saan ka patungo ngayon?? sana makarating ka sa ninanais mong destinasyon.
ReplyDelete