Sa'yo
Written by Jessa Petilo
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Karamihan sa mga taong nakikinig sa kanta na ito ay nalulungkot samantalang ako ay nalilito pa rin kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman, ako ba ay malungkot? matutuwa? kikiligin? Tuwing pinapakinggan ko ito tila ba naghahalo ang mga emosyon ko dahil sa “ang ngiti mo’y parang isang tala na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na, kelan kaya mahahalata ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa” dahil sino nga ba ang nagsasabi sa akin na tila tala ang aking mga ngiti at bakit ngayon lang ito napansin kung kailan wala na napapaisip ako na bakit huli na natin nararamdaman na mahalaga ang isang tao pag pawala na ito, sino nga din ba ang makakahalata ng pighati sa ilalim ng aking mga tawa?
Walang nakakaalam kung ano nga ba ang nangyayari sa bawat isa lalo na sa tuwing paparating na ang hating gabi alam ko na hindi lang ako ang nakakaranas ng kalungkutan ngunit sa hindi inaasahan may isang tao na makakakita ng mga lungkot sa aking mga ngiti, isang taong makakaintindi sa aking pag tahimik sabi nga din sa kantang ito “ang buhay mo’y parang kandila na pumapawi sa kadiliman ng gabing puno ng dalita at ng lagim bawat segundo ay natutunaw tumutulo parang luha humuhugis na parang mga puting paru paro” hindi ko inaasahan na ang buhay na nais kong ihinto sa tagal ng panahon ay magiging isang gabay sa napaka dilim na mundo at sa bawat luha na aking binibitawan ay nagiging isang papuparo na mag sisilbing daan upang mapunta sa tamang landas.
Magiging rason kung bakit nanaisin kong mabuhay pa sa mundo. Ang kanta na ito ay isa sa aking pinapakinggan tuwing mahina ako dahil kumakalma ako at napapaisip ng malalim at nasasagot nito ang aking mga bakit.
Comments
Post a Comment