"Sa Bawat Sandali" by Amiel Sol

"Sa Bawat Sandali" by Amiel Sol

Written by Glaiza Crespo

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

"A song reminds me that sometimes, a person can be our rest."

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ang "Sa Bawat Sandali" ay isang kanta tungkol sa pagmamahal at pagiging kanlungan sa gitna ng kaguluhan. Ipinapakita nito kung paano nagiging pahinga at kapanatagan ang isang mahal natin sa buhay kapag ang mundo ay puno ng alalahanin. Ang paulit-ulit na linya ng paghahanap ng kapayapaan sa piling ng isang tao ay nagpapalakas sa kantang ito, na tila isang yakap sa panahong mahirap.

Lately, naging paborito ko ang kantang “Sa Bawat Sandali by Amiel Sol.” Tuwing pinapakinggan ko ito, gumagaan at nababawasan ang bigat na nararamdaman ko—physically at emotionally. Ang paggamit ng mga salitang tulad ng "ikaw ang pahinga sa bawat sandali" ay nagbibigay ng pakiramdam ng katiyakan at walang hanggang pagmamahal. Masarap sa pakiramdam na may taong andyan sa ating tabi na handa tayong samahan sa kasiyahan man o kalungkutan—yung taong handang makinig sayo ng walang pag-aalinlangan.

Ang liriko na “kapag magulo na ang mundo, ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko” ay nagpapahiwatig na sa panahong magulo na ang lahat, may isang tao pa rin na handa kang tanggapin kahit ano ang mangyari. Nakaka-relate ako sa kantang ito dahil may mga mahal ako sa buhay na kahit sobrang gulo na ng lahat at iba’t ibang klase na ng problema ang aking kinakaharap, hindi nila ako iniwan—sila ay nanatili sa aking tabi at nagsilbing kapayapaan sa mundong magulo. Sana ang bawat isa sa atin ay mahanap rin nila ang kanilang pahinga, lalo na sa panahong kinakailangan nila ito.

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ang kantang ito ay isang pagpapaalala na sa kabila ng gulo ng mundo, may isang taong handang sumalubong at maging tahanan natin. Hindi lang ito isang awitin ng pag-ibig kundi isang pangako ng pananatili sa kabila ng anumang pagsubok. 

Comments