PutoPau: Ang Unang Kagat ng Sarap at Satisfying na Pampagana

PutoPau: Ang Unang Kagat ng Sarap at Satisfying na Pampagana

Written by Judy Ann Marquez


                                                  ────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

May mga pagkain na tunay na sumasalamin sa ating kultura at pagmamahal sa masarap na lutong bayan. Isa na sa mga paborito ng mga tao, lalo na sa mga masisipag at nagmamadaling umaga, ay ang PutoPau. Isang kakaibang kombinasyon ng puto at siopao na siguradong magiging paborito ng bawat isa.

Ano ang PutoPau?

Ang PutoPau ay hindi lang basta kakanin. Ito ay isang espesyal na puto na puno ng lasa at kasiyahan. Sa unang tingin, makikita mo ang malinis at puting anyo ng puto, ngunit hindi ito ordinaryong puto. Sa loob nito, may namamagitan na malambot na palaman ng giniling na manok mula sa siopao, na may natatanging timpla ng mga pampalasa. At hindi dito nagtatapos ang ligaya! Sa ibabaw, ito ay tinatampukan ng keso at piniritong itlog, na dagdag pa sa satiating na karanasan.


Saan makikita ang PutoPau?

Kung kaya't darating ka sa harap ng San Roque Catholic School, huwag palampasin ang pagkakataong matikman ang PutoPau. Dito mo matatagpuan ang mga nagmamahal sa kanilang sining sa pagluluto at paghahanda handog ang kanilang tanging PutoPau. Siguradong magugustuhan mo ito hindi lamang sa sarap kundi sa lasa na itinataas ng pagmamahal sa bawat paghahanda.


Ang Unang Kagat

Sa iyong unang kagat, tiyak na magiging maligaya ang iyong araw. Bawat kagat ay puno ng kasiyahan. Mabilis na nalalasak ang tamang timpla ng lasa sa iyong dila, kung saan ang tamis ng puto, ang malasa at malambot na karne ng manok, at ang creamy na keso ay nagsasama para sa isang kahanga-hangang karanasan!


Sa halagang 20 pesos lang, hindi ka na lugi! Isang PutoPau ay sapat na upang punan ang iyong tiyan at bigyan ka ng enerhiya para sa buong araw. Perfect na breakfast o merienda, na masarap at madaling dalhin kahit saan. Kailangan mo lamang ito at ikaw ay handa nang harapin ang iyong mga hamon sa araw.

Tara na at Bumili ng PutoPau

Huwag palampasin ang pagkakataon na masubukan ang PutoPau, ang kakaibang puto na puno ng puso at pusong nilutong Pinoy. Mag-tampok sa inyong pamilya, at maging bahagi na ako ng mga tao na nagmamahal sa mga masarap na pagkain. Dito sa harap ng San Roque Catholic School, ang PutoPau ay hindi lang basta pagkain ito ay pagtanggap ng ligaya, pagmamahal, at kasiyahan sa bawat kagat.  

                                                  ────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ihanda na ang iyong panlasa para sa isang kakaibang karanasan, at tara na, kain tayo ng PutoPau!

Comments