Tapa Silog Ni Glaiza

Tapa Silog Ni Glaiza: Ang Silog na Binabalik-balikan!

Written by Kiza Mae Dullavin


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Siksik sa Sarap, Swak sa Bulsa!

Kapag usapang almusal ng Roquenian, hindi maaaring mawala ang classic na silog meals at pagdating sa silog, walang tatalo sa Tapa Silog ni Glaiza! Siya ang kaklase naming may talent sa pagluluto, at tuwing may pasok, isa siya sa inaabangan naming lahat.

Ano ang Meron sa Tapa Silog Niya?

Hindi lang ito basta-bastang tapsilog ito ang ultimate comfort food na pampagising ng diwa at pampabusog ng tiyan!
  • Tapa na Juicy at Malasa – Hindi tuyo, hindi matigas, sakto lang ang lambot at tamang timpla ng alat at tamis. Parang may lihim na sangkap si Glaiza na nagpapalabas ng natural na linamnam ng karne!
  • Fried Rice na Kumpleto sa Kulay at Lasa – Hindi lang plain rice, dahil may cuts of carrots, sweet green beans, ham, at corn na nagpapadagdag ng tamis at texture. Nagbibigay ito ng kakaibang twist na bihirang matagpuan sa ordinaryong tapsilog.
  • Perfectly Cooked Egg – Hindi pwedeng mawala ang itlog sa silog! Pwede mong piliin kung sunny-side-up o scrambled, depende sa trip mo.

Bakit Patok sa Roquenian Students?

Sa mga Roquenian, ang pagkain ay hindi lang pampabusog kundi isang bonding experience. Bawat kagat ng Tapa Silog ni Glaiza ay parang may kwentuhan, tawanan, at kwentong buhay ng isang estudyanteng laging “on a budget” pero gusto pa rin ng premium quality na pagkain.

Dahil abordable at homecooked, mas ramdam ang effort at pagmamahal sa bawat serving. Walang tipid sa ingredients puro sarap!

Bukod sa sarap, may dagdag pa itong energy boost para sa buong araw. Sa dami ng schoolwork, quizzes, at research, kailangan namin ng pagkain na hindi lang masarap kundi nagbibigay rin ng lakas. Sabi nga namin, isang serving lang ng Tapa Silog ni Glaiza, parang ready ka na sa kahit anong academic challenge!

Worth Every Peso!

Kung may “Best Tapsilog” award sa classroom namin, paniguradong si Glaiza na ang tatanghalin bilang Tapa Queen! Minsan nga, kahit di na kami gutom, napapabili pa rin dahil sa bango pa lang, nakakagutom na!

Para sa isang estudyanteng laging nagmamadali sa umaga, ang Tapa Silog ni Glaiza ang sagot sa gutom at pagod. Hindi lang ito pagkain, kundi isang inspirasyon sa aming lahat na kahit simpleng bagay ay pwedeng gawing espesyal basta’t may sipag, tiyaga, at pagmamahal.

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

So kung mapapadaan ka sa classroom namin at makikita mong madami tao sa pintuan, alam mo na kung ano ang dahilan. Tapa Silog ni Glaiza ang best tapsilog na dapat mong matikman!

Comments

  1. yep, its true... its the shared experience that everyone feels when they order from glaiza!! :)

    ReplyDelete

Post a Comment