Pangmasang Chicken Fillet na sa sarap ika'y mapapapikit 😉
Written by Glaiza Crespo
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Isa sa mga paborito ko ay Chicken Fillet at tuwing kakain ako sa Mcdo ay madalas ito ang aking kinakain pero dahil na curious ako kung paano sya lututin and also because I love cooking, I tried my own version of Chicken Fillet.
Ano bang meron sa own version chicken fillet ni Glai?
Crispy and Juicy chicken fillet – Juicy, crispy at sakto lang ang timpla kuhang kuha ang inyong panlasa.
Malambot at Walang Buto – Dahil wala itong buto, madaling kainin ng lahat, mula bata hanggang matanda. Mas magaan din ito sa tiyan kumpara sa ibang bahagi ng manok na may taba o litid.
Tasty Sauce - Ika nga ng iba "Masarap kahit walang Sauce" agree ako doon pero ang sa'kin ay ibahin nyo dahil "Sauce pa lang ulam na". Sakto lang ang timpla at bagay na bagay sa Chicken Fillet. May 2 choice of sauce ang una ay Creamy Garlic Sauce and Gravy Sauce siguradong mapapa extra sauce ka sa sarap.
Ano nga ba ang secret recipe ng version of Chicken Fillet ni Glai?
Ibabahagi ko ang recipe ng chicken fillet para masubukan nyo rin lutuin sa inyong bahay.
Sangkap sa Paggawa ng Chicken Fillet
Pangunahing Sangkap:
- 2 piraso ng chicken breast (hiniwa nang manipis)
- 1 tasang harina (all-purpose flour)
- ½ tasang cornstarch (para sa extra crispiness)
- 1 pirasong itlog
- ½ tasang gatas o tubig
- Mantika (para sa pagprito)
Pampalasa:
- 1 kutsarita asin
- ½ kutsarita pamintang durog (black pepper)
- 1 kutsarita bawang powder
- 1 kutsarita sibuyas powder
- 1 kutsarita paprika (opsyonal, para sa kulay at lasa)
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Pwede rin magdagdag ng chili powder o cayenne pepper kung gusto ng maanghang na chicken fillet.
Photo provided by Glaiza Crespo

Comments
Post a Comment