Cheese Bread na Binabalik-balikan ng Kalahatan: Isang Munting Kasiyahan sa Bawat Kagat!
Written by Judy Ann Marquez
Para sa mga estudyante at kabataan ng San Roque, may isang pangalan na tiyak na magpapasigla sa inyong panlasa at magpapagaan ng inyong araw: Cheese Bread. Hindi lang ito simpleng meryenda ito ay simbolo ng isang ginhawa, isang sandali ng pagtakas mula sa stress, at isang piraso ng pagkabata na patuloy na nagbibigay-kulay sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ang Simpleng Saya ng Cheese Bread
Sa bawat pag-uwi mula sa paaralan, bitbit ang bigat ng mga takdang-aralin at proyekto, walang ibang makakapantay sa sayang dulot ng isang mainit na cheesebread. Isang kagat lang, tila ba ay naglalaho na ang lahat ng problema. Ang malambot na pandesal, puno ng malinamnam na keso, at at pinahiran ng matamis na puting krema isang kombinasyon na hindi nakakasawa.
Bakit ito ang Paborito ng Lahat?
Pamilyar na Lasa: Ang cheesebread ay gawa sa simpleng pandesal na pinalamanan ng keso, ngunit ang kakaibang timpla nito ang nagbibigay-buhay sa ating panlasa.
Abot-Kaya: Sa presyong kaya ng bulsa ng mga estudyante, hindi mahirap maglaan ng pera para sa isang cheesebread.
Madaling Hanapin: Matatagpuan lamang malapit sa ating paaralan na hindi mahirap hanapin.
Kung Saan Matatagpuan ang Pinakamasarap na Cheese Bread
Hindi na kailangang magtanong kung saan matatagpuan ang pinakamasarap na cheese bread na malapit sa San Roque. Hanapin ang lugar na mahaba ang pila ng mga estudyante iyon na ang senyales na anroon ang pinakamasarap na cheese bread!
────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────
Isang Paalala sa mga Estudyante at Kabataan
Sa susunod na ikaw ay stress at pagod, huwag kalimutang bumili ng cheese bread. Hayaan mo na ang simpleng meryendang ito ang magpapagaan ng iyong araw at magpaalala sa iyo na kahit sa simpleng bagay, mayroon tayong mahahanap na kasiyahan. ito ay isang bahagi ng ating kultura, isang alaala ng ating pagkabata, at isang simbolo ng simpleng kaligayahan. Kaya ano pang hinihintay mo? Takbo na sa pinakamalapit na tindahan at tikman ang sarap ng cheese bread!
Photo grabbed from Shakoy - Wikipedia

thanks for the suggestion, Judy!!
ReplyDelete